DOJ chief: Ipursige mga kaso puwedeng isampa kay Corona

PINAPUPURSIGE ngayon ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga kasong maaring isampa laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Giit ni de lima na may sapat nang ebidensya na may iba pang paglabag sa batas si Corona ay dapat itong mapanagot.

Pinuna ng kalihim ang pagiging mapagpatawad ng mga Filipino na ayaw nang kasuhan ang convicted magistrate.

Anang kalihim, hindi maganda para sa bansa kung palalagpasin na lamang ang iba pang posibleng paglabag ni Corona lalo na kung ang habol ng gobyerno ay ang mapatatag ang truth and accountability sa mga namamahala.

Gayunman, dumistansya ang kalihim sa gagawing pag-iimbestiga sa napatalsik na punong mahistrado para maalis ang mga hinala na napupulitika ang pagsisiyasat.

Binigyan-diin ng kalihim ang tanggapan ng Ombudsman at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga ahensya na nararapat na maghabol kay Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply