DOJ: Sasakyan sa illegal logging kukumpiskahin

PINAG-AARALAN ng Department of Justice na kumpiskahin na rin ng pamahalaan ang mga sasakyan na ginagamit sa paglilipat  ng mga illegal na pinutol na kahoy.

sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima,na-obserbahan ni Department of Environment and Natural  Resources Secretary Ramon Paje na talamak na ang pagggamit ng cargo vans at iba pang uri ng sasakyan sa pagbiyahe ng mga illegal na pinutol na kahoy.

Hinala ni de Lima, posibleng sangkot na rin sa paglabag sa total log ban ang may-ari ng mga paupahang sasakyan ng ginagamit ng mga illegal loggers.

kamakalawa, nakasamsam ang NBI ng mga illegal na pinutol na kahoy sa limamput-limang container vans sa pier 16 sa lungsod ng maynila.

una nang idineklara ang mga kargamento bilang semento.

binigyang-diin ni de Lima na may responsibilidad din ang may-ari ng mga paupahang sasakyan sa pagtulong sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal logging sa pamamagitan ng pagiging maingat sa taong kumukuha ng kanilang serbisyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply