DOJ: Kidnap for ransom ang pagdukot sa Burmese na bata

PINANINDIGAN ng Department of Justice na kaso ng kidnapping for ransom ang nangyaring pagdukot sa isang Burmese national na bata sa Laguna noong biyernes.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, batay sa kanyang natanggap na impormasyon na kinumpirma rin ng pamilya ng biktima,  humingi ng malaking ransom ang mga kidnapper.

Nagtataka naman si De Lima sa pahayag ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Philippine National Police na kaso lang ng abduction ang nangyari gayong alam ng grupo na may nangyaring negosasyon.

Katunayan, sinabi pa ng kalihim na nagkaroon pa nga ng tawaran sa halaga ng ransom.

Nilinaw naman ni De Lima na tapos na ang tungkulin ng National Bureau of Investigation na pagligtas sa biktima at bahala na ang PNP na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay nito, ipinagtanggol ni  de Lima ang ginawang pagkilos ng NBI sa pag-rescue sa bata dahil buhay at kaligtasan na, aniya,  ang nakataya sa sitwasyon kaya minabuti nilang pakilusin na ang NBI kahit walang direktang koordinasyon sa AKG.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply