DOJ: Mag-ingat sa mga pahayag vs Atyani

DAPAT mag-ingat ang gobyerno sa pagbibigay ng pahayag hinggil sa nawawalang Jordanian journalist na si Baker Abdullah Atyani at ang kanyang dalawang Pinoy crew.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, dapat iwasan ang paggawa pa ng ibang isyu sa insidente dahil responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang mga dayuhan.

Una nang sinabi ni Interior and Local government Secretary Jesse Robredo na nais nito ipa-ban si Atyani sa bansa dahil sa pagtungo nito sa jolo, Sulu para sa interview sa Abu Sayyaf ng walang koordinasyon sa mga awtoridad.

Sa pahayag naman ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, sinabi nito na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang lahat ng anggulo sa pagkawala ni Atyani.

Kabilang aniya rito ang posibleng kaugnayan ni Atyani sa Al Qaeda network.

Aminado naman si De Lima na dapat ang isang foreign journalist ay nagpapaalam sa proper local authority sa pakay nito, sa destinasyon niya dahil ang gobyerno pa rin ang mananagot sa kaligtasan ng mamamahayag.

Gayunman, hindi ,aniya, dapat magpadalos-dalos ang sinumang opisyal sa pagbibigay ng pahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply