Mayor Abalos pinakakasuhan ng DOJ

IPINAG-UTOS na ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasampa ng kasong criminal at administratibo laban kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Kasunod na rin ito, anang kalihim, sa ginawang pagmumura at pagbabanta ng alkalde sa 2 DOJ prosecutor.

Ayon kay De Lima, batay sa natanggap niyang report mula sa mga DOJ prosecutor na humahawak sa electoral sabotage case laban kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos, sa pagdinig kahapon sa Pasay RTC,  bagama’t mahina ay malinaw naman ang pagmumura nito sa kanilang mga prosecutor na sina Orlando Mariano at Mark Estepa.

Bukod pa, aniya, rito sinabihan pa sila ni Mayor Abalos na papatayin.

Ayon kay De Lima, inatasan niya na ang mga nasabing piskal na ipa-blotter ang pangyayari at pagkatapos ay magsumite ng joint affidavit para agad maisampa ang kaso.

Ilan lamang sa mga kasong planong isampa ng DOJ laban sa nakababatang Abalos  sa DILG ay gross misconduct at grave abuse of authority, habang grave threat naman ang plano nilang isampa sa Ombudsman dahil isa itong public official.

Binigyang diin ni De lima na hindi nila papayagan na pagbantaan at takutin ang kanilang mga prosecutor habang ginagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin.

Lalaki natagpupang patay sa pampasaherong dyip

ISANG 50 anyos na mendicant ang natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw (June 8).

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang nakilala lamang sa alias “Totoy”, may taas na 5’6, tinatayang 45-50 anyos at nakasuot ng kulay gray na chekered short.

Sa report ni SPO4  Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:45 ng madaling araw nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng isang nakaparadang jeepney (TVJ 608)  sa kanto ng J. Abad Santos at Soler Sts., Tondo.

Ayon kay Gander Diones, may-ari ng nakaparadang jeepney, pinuntahan niya ang kanyang sasakyan para sana ilabas nang nakita ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa loob ng kanyang jeepney.

Nabatid na ang biktima ay dating helper ng Vinon trucking subalit nang ito ay ibenta ng may-ari ay nawalan na rin ito ng trabaho hanggang sa nanghihingi na lamang ng awa sa mga tao.

Gayunman, imbes umano na pagkain ang binibili nito sa kinikita mula sa panghihingi ay alak ang kanyang ginagawang pagkain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply