DOLE nagbabala sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa Italy

NAGBABALA ang  Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng Pilipino na may planong illegal na magtrabaho o kumuha ng mapangangasawa sa bansang Italya.

Batay sa ilalim ng bagong batas sa Italy, itinuturing na krimen ang iligal na pagpasok sa naturang bansa para sa mga dayuhan at may kapalit na parusa itong pagkakulong ng mula anim na buwan hanggang apat na taon.

Mahihirapan na rin ang mga Pinay na naghahanap lamang ng mapapangasawang Italyano para makakuha ng citizenship dahil sakop ito ng bagong batas.

Nakapaloob dito ang mas mabilisang paglilitis sa sinumang dayuhan at mabilisang deportasyon sa mga mapatutunayang lumabag sa pinaiiral na bagong batas.

Isa ang Italy sa mga paboritong destinasyon ng mga Pinoy kaya minabuti ng DOLE na ipakalat ang naturang impormasyon sa mga Pinoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply