Dollar remittances ng OFWs tumaas ng 5.3%

UMABOT sa $1.701 billion ang naitalang dollar remittances ng oversease Filipino workers nitong nakaraang buwan ng Abril.

Ito ay ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na nagsabing tumaas ito sa 5.3 percent kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa kaparehang buwan.

Una nang ipinagmalaki ng gobyerno na ang mga dolyar na ipinapadala ng OFWs mula sa ibang bansa ay bumubuo sa malaking bahagi ng gross domestic product ng bansa.

Nanatili namang major sources ng dollar remittances ang United States, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, United Arab Emirates, Singapore, Italy, Germany at Hong Kong.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply