Dolphy bahagyang bumuti ang lagay

SINABI ni Eric Quizon na bahagyang bumuti ang kondisyon ng kanyang ama na si Comedy King Dolphy.

Sa panayam nito sa radyo, sinabi ni Eric na nag-improve ang lagay ng kidney at blood pressure ng kanyang ama.

“He has stabilized and ‘yung kanyang kidney, somehow nagkaroon ng minimal output, kahit papano nag-improve nang konti ‘yung condition ng kidney niya. At the same time ang kanyang blood pressure, kahapon sobrang baba ngayon medyo tumaas nang konti, pero ang kanyang hemoglobin count medyo mababa pa rin.”

Nagpapatuloy pa rin umano ang pagsalin ng dugo kay Dolphy habang hinihintay pa rin sa kasalukuyan ang resulta ng medical tests nito.

Dagdag pa ni Eric, tumutugon naman ang Comedy King sa pamamagitan ng pagtaas o paggalaw ng kamay.

Ayon pa kay Eric, aminado ang kanilang pamilya na nasa kritikal pa ring sitwasyon ang haligi ng tahanan kaya patuloy pa rin ang kanilang pagdarasal at pagbabantay sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center.

“This is a progressive disease, itong kanyang sakit ay kumbaga pwede nating i-improve ang kanyang kalagayan pero hindi ito gagaling. Puwede nating mapahaba yung buhay niya, yan ay kung pangangalagaan natin siya nang tama.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply