Dolphy buhay na buhay- Eric Quizon

NILINAW ngayon ng isa sa mga anak ni Dolphy na si Eric Quizon na nasa maayos na kalagayan sa intensive care unit (ICU) ang Comedy King.

Ito’y taliwas sa mga umuuong na balita na pumanaw na ang komedyanteng si Dolphy.

Dakong 10:00 kaninang umaga sinabi ni Eric Quizon sa mga mamamahayag na buhay-na-buhay ang kanyang ama na nananatili sa ICU.

Inilarawan ng actor-director na may nakalagay na respirator sa kanyang ama at nagre-respond ito sa ibinibigay na gamot.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling na ang ama niya at anumang oras ay maililipat na ito sa regular room.

Nagkaroon lang daw ng problema sa baga ng batikang komedyante kaya ipinasok ito sa Makati Medical Center.

Nanawagan din ito sa publiko na patuloy na ipagdasal ang King of Comedy para sa mabilis nitong paggaling.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply