Dolphy bumubuti na ang kalagayan

LUMALAKAS at bumubuti na ang lagay ngayon ni Comedy King Dolphy sa Makati Medical  Center ngayon.

Batay sa medical report ng Makati Medical Center,  gumaganda na ang lagay ng Hari ng Komedya”  pero kailangan pa rin nito ng respirator.

Sinabi ni Eric Quizon sa report na kinakailangan bantayang maigi ang Comedy King at hindi rin  nito nagugustuhan na may tubo na nakalagay sa kanyang bibig papunta sa baga para matulungan siyang huminga.

Bukod sa pneumonia ay mayroon din chronic obstructive pulmonary disorder ang Comedy King.

Dahil dito, kinansela ni Zsa Zsa Padilla ang kaniyang appearance sa concert kagabi, June 16  kasama ang iba pang OPM icons sa tinaguriang “Icons at the Arena” dahil sa maselang kalagayan ngayon ng partner niyang si Dolphy.

Makakasama sana ni Zsa Zsa ang iba pang OPM singers kagaya nina Lea Salonga, Jose Mari Chan, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano at iba pa.

Ipinalit kay Zsa Zsa si Rachel Alejandro na hangad din ang mabilis na paggaling ng King of Comedy.

Samantala, bagama’t stable umano ang kondisyon ngayon ng beteranong komedyante sa Makati Medical Center, inihayag ng apo nitong si Boy 2 Quizon na “under observation” pa rin ang kaniyang lolo.

Normal daw ang vital organs ni Dolphy ngunit kinabitan ng respirator para makatulong sa paghinga nito at masusing inoobserbahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply