Dolphy bumuti ang kondisyon matapos sumailalim sa ikatlong dialysis

SIMULA ng sumailalim sa ikatlong dialysis si Comedy King Dolphy ay malaki ang ipinagbago ng kanyang kalagayan lalu na nang isailalim siya sa tracheotomy procedures o pagbutas sa kanyang leeg noong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ni Eric Quizon, umaasa pa rin ang kanilang pamilya na makakauwing muli ang kanilang ama sa kanilang tirahan bunga ng malaking pagbabago sa kanyang kalagayan mula ng maideklarang nasa kritikal na kondisyon sa Makati Medical Center.

Isinagawa ang pagbutas sa leeg ng komedyante upang tulungan na madaling makapasok ang oxygen sa baga nito na magiging dahilan upang makapag-trabaho ng husto ang iba pa niyang vital organs.

Magugunita na bago pa man maratay sa pagamutan ang comedy king, ipinagbilin na niya sa kanyang mga anak na huwag siyang lalagyan ng tubo sa lalamunan dahil ayaw niyang maging kaawa-awa sa paningin tulad ng nasaksihan niya sa kanyang namayapang ama.

Gayunman, hindi ito tinupad ng kanyang mga anak sa kagustuhang madugtungan pa ang buhay ng kanilang ama at sa paniwala na rin na makatutulong ang naturang paraan upang bumuti ang kanyang kalagayan.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Eric Quizon na inalis na rin ang respirator sa bibig ng kanyang ama dahil inilipat na ito sa kanyang leeg sa pamamagitan ng tracheotomy procedure.

Sa ngayon, aniya, patuloy ang pagbuti ng kondisyon ng kanyang ama sa nakalipas na magdamag at handa siyang magbigay ng panibagong pahayag kapag may pagbabago pa sa kalagayan ng kanyang ama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply