Dolphy gusto nang umuwi – Sen. Villar

HINDI man nabigkas ng kanyang mga labi, ipinahiwatig ni Dolphy kay Sen. Manny Villar na gusto nang umuwi ng Comedy King sa kanilang tahanan.

Sa panayam, sinabi ni Villar na hindi niya nakausap ang Hari ng Komedya, ngunit nagpakita ito ng kagalakan nang malaman na dumalaw sa kanya ang senador na kanyang sinuportahan noong nakaraang presidential elections.

“Napansin kong bahagya siyang ngumiti nang malaman na dumalaw ako, at nagpakita din ito ng reaksiyon na gusto na niyang umuwi,” ayon kay Villar.

Dumalaw si Villar sa Makati Medical Center kaninang alas-diyes ng umaga upang tingnan ang kalagayan ng kaibigan.

Nakausap din ni Villar ang mga kaanak ni Dolphy na nagbabantay sa ospital.

Ikinuwento ng senador na hindi pa man sila naging magkaibigan ni Dolphy ay isinusulong na niyang maging National Artist ang komedyante.

Nahaluan ng pulitika ang pagkakabitin ng paggawad ng National Artist award kay Dolphy dahil sa hindi umano nito sinuportahan ang kandidatura ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong nakaraang halalan.

Noong 2010 presidential elections, sinuportahan ni Dolphy ang kandidatura ni Villar sa pagkapangulo ng bansa sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply