Dolphy lumalaban; respirator inalis na

MALAKI ang pananampalataya ng mga anak ni Comedy King na patuloy na bubuti ang kalagayan nito dahil sa ipinakikitang fighting spirit.

Maging ang kanyang mga anak ay hindi makapaniwala sa determinasyong ipinapakita ni Dolphy na labanan ang sakit nito dahil patuloy sa pagbuti ang pakiramdam nito bagama’t nananatili pa rin ito sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Kaugnay nito kinumpirma ng anak nitong si Eric Quizon na tinanggalan na ito ng respirator ang kanyang ama, ibig sabihin, humihinga na si Dolphy kahit sa oxygen na lang.

Ayon kay Eric, alam naman nilang may sakit ang ama at inihahanda na nila ang sarili sa worst case scenario.

Pinag-uusapan na rin nila ang posibleng mangyari sa kanilang ama kapag hindi na nakarekober pero kung kailan umano nila napag-uusapan ang ganitong mga bagay ay siya namang panahon na may mga nangyayaring development sa kalusugan ng veteran comedian.

Ayon sa isa pang anak ni Dolphy na si Ronnie Quizon, wala pa siyang nakitang katulad ng determinasyon ng ama nila na mabuhay at sa palagay umano niya ay enjoy talaga si Dolphy sa buhay kaya tumatagal pa ito.

Hanga rin si Ronnie sa tatag ng ama dahil kahit na mahina ito, nakukuha pa ring magpatawa kahit na nasa ICU na.

Para sa pamilya Quizon, malaking tulong ang dasal ng mga fans at kaibigan ni Dolphy kung bakit nalampasan nito ang pinakahuling dagok sa kaniyang kalusugan.

Saludo naman ang mga anak ni Dolphy sa pag-aalaga ni Zsa Zsa Padilla sa kanilang ama dahil hindi umaalis sa tabi ng kayang partner si Zsa Zsa at kahit pagod ito ay ito pa rin ang nag-aasikaso kay Dolphy

Ayon pa kay  Eric, good news para sa lahat ngayong tinanggal na sa medical ventilator ang kanyang ama.

Ang nasabing machine ang siyang tumutulong sa pagbomba ng oxygen sa katawan ng isang tao.

Nabatid na sa ICU ng Makati Medical Center nagdiwang ng Father’s Day ang hari ng komedya.

Isang munting sorpresa mula sa kanyang pamilya ang nagpasaya sa comedian actor.

Nabatid na nakukuha pa ring magbiro ni Dolphy kung saan dumidila pa raw ito at ngumingiti sa tuwing may nagpapatawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply