Dolphy Markova

HABANG tinitipa natin ito, nakikipaglaban pa kay kamatayan ang aydul kong si Dolphy.

Aydul natin si Dolphy sa pagiging seryoso sa kanyang buhay bilang komedyante.

May gulo o wala sa gobyerno, may paghihirap o ginhawa sa ekonomiya ni Juan, naririyan si Dolphy na nagpapagaan ng buhay.

Sa dami ba naman ng mga panoorin sa sinehan at telebisyon na sinalihan nito sa halos buong buhay niya.

Pumatok sa lolo ko ang kanyang Facifica Falaypay noon.

Walang hanggang katatawanan naman ang kanyang John and Marsha.

Halos kasabay ito ng deklarasyon ng martial law at matagal nang nawasak ang martial law, eh, namamayagpag pa rin ito.

Ah yung Home Along da Riles ay parang kamakailan lamang.

Isinabuhay ni Dolphy ang ordinaryong buhay sa riles at ito rin ang panahon ng demolisyon sa mga nakatira sa riles para i-relocate sa ibang lugar.

oOo

Pero hindi lahat ay katatawanan sa buhay ni Dolphy.

Meron din itong seryosong pelikula: ‘yung Markova: Comfort Gay.

Ilang linggo nga palang nanatili sa sinehan ang pelikula niyang ito.

At ilang premyo sa lokal at internasyonal na patimpalak sa pelikula ang nakuha ni Dolphy rito, kasama ang dalawa niyang anak?

Sa pelikulang ito nalantad ang katotohanang hindi lang ang mga lola natin ang ginawang Comfort Women kundi maging ang mga bakla noong panahon ng mga Hapon.

oOo

Dito natin naalaala na maging ang mga pamilyang mayayaman ay nagigiliw din kay Dolphy.

May pamilya ng mga abogado ang hindi lumiliban sa panonood sa mga pelikula ni Dolphy, kabilang na rin ang “Swindlers List.”

Solb silang lahat pag nanonood sa sinehan at hindi sa mga piniratang VCD at DVD.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply