Dolphy nakapag-‘I love you’ kay Zsa Zsa

KAHIT hindi pa nakapagsasalita si Comedy King Dolphy dahil sa tracheostomy na isinagawa sa kanya kamakailan ay nasabihan nito ng “I love you” ang asawang si Zsa Zsa Padilla sa pamamagitan ng lip reading.

Sa ngayon patuloy na bumubuti ang kalagayan ng Hari ng Komedya at sa 11 pagkakataon ay nalagpasan niya ang pneumonia.

Batay sa pinakahuling medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center, sinabi ni Director Dr. Eric Nubla, na wala nang pneumonia si Dolphy ngunit may ilan pa ring impeksyon sa sistema nito.

“He has been cleared of pneumonia but continues to remain to have some infection in his system.”

Bagama’t stable ang kondisyon nito ay nananatiling kritikal ang Hari ng Komedya.

Madalas na ring gising (lucid) si Tito Dolphy at nakatutugon na siya sa pamamagitan ng pagtango, pagtaas ng kilay at pagpisil sa kamay ng mga kaanak na nagbabantay sa kanya.

Posible ring mailipat sa regular na kuwarto ang Hari ng Komedya dahil sa patuloy na pagbuti ng kalagayan nito.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply