Domestic at international flights, normal– MIAA

NANANATILING normal ang biyahe ng domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport NAIA

Pinawi ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pangamba ng publiko sa posibilidad na kanselasyon ng mga domestic at international flights.

Nabatid na tinaggal na ng PAGASA ngayong umaga ang kanilang signal warning sa alinmang bahagi ng ating bansa.

Nangngahulugan umano ito na maaari pa ring makabiyahe ang mga eroplano, maliban na kung magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa isang partikular na lugar na makaaapekto naman sa pilot visibility.

Payo ng MIAA sa mga biyahero, manatiling naka-abang sa anumang anunsyo upang matiyak na maayos ang kanilang magiging paglalakbay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply