Donaire lalamunin ng buhay si Mathebula

UMISPAR si World Boxing Organization super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” ng 12 rounds sa dalawang matatangkad na sparring partners at kondisyong-kondisyon na.

Sinabi ni trainer Robert Garcia na si Donaire, “looks very strong ands very, very quick so he’s ready.”

Dedepensahan ni Donaire ang titulo na napagwagian mula sa dating kampeon na si Wilfredo Vazquez Jr., noong Pebrero sa Alamodome sa San Antonio, Texas kontra International Boxing Federation champion Jeffrey Mathebula ng South Africa na may taas na 5’10.”

Ang laban ay idaraos sa Home Depot Center sa Carson, California sa Hulyo, oras sa Maynila.

Naka-6 round si Donaire kay Mexican featherweight Gilberto Sanchez Leon na may taas na 5’11”  at kay junior lightweight Robert Rodriguez ng Colorado na halos pareho ng tangkad.

Sinabi ng trainer at dating former world champion, “I’m sure he (Donaire) is ready” even though he said the champion “still got a few pounds to lose but we will leave that to the last week or so, about 4-5 pounds.”

Dagdag pa ng trainer, “He is very strong and gained a lot of muscle. He is not really doing weights but all the work that he is doing with Olympic track coach Remi (Korchemny) and (James) Bassel is putting on a lot of muscle.”

Si  Mathebula sa kabilang banda ay isang natural junior featherweight at mas lamang sa taas nito.

Napagwagian ni Mathebula ang IBF title mula sa kapwa South African Takalani Ndlovu at nagbalik sa gym, tatlong linggo matapos siyang magwagi sa titulo noong Marso 24 at aniya’y puspusan siya sa training at naghahanda sana sa baoluntaryong title defense nang ialok sa kanya ang  unification title bout kontra Donaire.

Tatlong beses isang araw kung mag-training ang IBF champion at anila handa siya kahit ngayong weekend ang laban.

Ang panalo kontra Mathebula ang maaring magbigay daan para sa mas high-profile bouts kay Donaire kabilang na ang potensiyal na pakikipagsagupa kay Mexican star Jorge Arce at unbeaten Cuban Guillermo Rigondeaux.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply