Donaire magwawagi sa 10th rounds

SA Hulyo 7, dadayo si boxing superstar Nonito Donaire sa balwarte ni South African Jeffrey Mathebula para sa 122-pound unification match at dito na nagkakaalaman kung sino ang kursunada ng fight fans.

Idaraos ang pagsagupa ng dalawa sa Home Depot Center, Carson, California para sa WBO/IBF Junior Featherweight title, 122 pounds.

Si Nonito Donaire, 28-1 ay may 18 KOs ngn San Leandro, California, WBO Super Bantamweight Champion  habang si Jeffrey Mathebula, 26-3-2 (14 KOs) ng Brakpan, Gauteng, South Africa at IBF Junior Bantamweight Champion.

Si Donaire ay 29 anyos na may apat nang iba’t ibang weight classes. Huling natalo noong 12 taon ang nakalipas. Mataas ang kanyang ambisyon hanggang sa umangat ang timbang mula sa flyweight hanggang featherweight.

Para kay Donaire, hindi ang tangkad ang sukatan niya sa sarili, ang skills ang mahalaga. May total package ika nga at unique ang abilidad. Sa tikas ng kanyang panahon kontra Vic Darchinyan at Fernando Montiel, iyon ang puhunan niya para tawaging ‘The Filipino Flash.’

Si Mathebula ay isang nakasosorpresang fighter. Ang 32-anyos na 2000 Olympian ay mula sa South Africa. Naagaw ni Mathebula ang IBF world championship belt ni Takalani Ndlovu noong Marso sa South Africa, pero nabawi ni Ndlovu ang korona noong 2010.

Kung minsan kapag ang isang fighter ay may mataas at malaking ambisyon, higante ang sorpresa nito. Dapat na manalo ni Donaire at kapag nangyari ito, magwawagi siya sa 10th round TKO vs Mathebula.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply