DOST mamamahagi ng ‘Anti-Dengue Kits’

MAMAMAHAGI ang Department of Science and Technology (DOST) ng libo-libong ‘Anti-Dengue Kits’ sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DOST Secretary Mario Montejo, aabot sa 435,000 ovicidal-larvicidal (OL) trap kits ang ipamimigay sa mga public elementary at high schools.

Layunin ng kagawaran na maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit sa mga classrooms lalo’t panahon ngayon ng tag-ulan

Batay sa medical report, umakyat na sa 22,000 ang naitalang kaso ng dengue ng Department of Health (DOH) sa loob ng apat na buwan at tinatayang nasa 180 naman ang naitalang namatay dahil dito.

Samantala, matatandaang nagdeklara na ng dengue outbreak sa Zamboanga City matapos makapagtala ng 774 kaso sa lungsod.

Dahil dito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na panatalihin ang kalinisan sa paligid para mapuksa ang mga breeding place ng mga dengue-carrying mosquito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply