DOTC imbestigahan

SINASABI ni Congress-man Winston Castelo na paiimbestigahan nito ang abusado umanong pagtrato ng Department of Transportation and Communications sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan.

Sa kanyang House Resolution No. 2394, gustong malinawan ni Castelo kung totoong labag sa Konstitusyon ang sobrang mahal na multa na pinaiiral ng DOTC sa pamamagitan ng Land Transportation Office at Land Transpor-tation Franchising and Regulatory Board, sa bayolasyon sa trapiko.

Ang sobrang mahal na mga multa ay nilala-man umano ng Depart-ment Order ng DOTC na may numerong 2009-39.

Por eksampol ng ma-hal na multa ay ang P1,600 na dating P150 para sa nakatsinelas na drayber.

oOo

Naunang sinabi ng Re-gional Trial Court ng Baguio City na unconstitutional ang nasabing DO 2009-39.

At matapos ang desi-syon ng RTC, nagpapatuloy umano ang DOTC-LTO-LTFRB sa paniningil ng sobrang pinataas na mga multa.

Ito ngayon ang nilalaba-nan ng mga tsuper at operator na umaabot na sa mga lansangan.

Pero hindi lang ito ang problema ng mga tsuper at operator. Gustong buhayin muli ng DOTC ang Radio Frequency Identification o RFID, maging ang early warning device na pinalitan na ng makabagong EWD sa pamamagitan ng emergency flash ng mga sasakyan.

Tinirador mismo ng Korte Suprema ang RFID at sa katunayan, pinababalik nito ang perang naibayad ng mga nagparehistro ng mga sasakyan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang naka-tatanggap ng refund dito.

May overpricing naman ang EWD na galing sa tin-dahan ng LTO-LTFRB kum-para sa mga nabibili sa mga auto supply at hardware.

oOo

Nga pala, ano kaya ang masasabi ni PNoy sa mga usaping ito?

Sec. Mar “Mr. Paleng-ke” Roxas, ayaw ni VP Jojo Binay ng ganyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply