DOTC naglaan ng P1.5B sa modernization program ng PCG

ABOT saP1.5 billion ang ilalaan  ng Department of Transportation and Communication (DoTC) para mapadali ang implementasyon ng modernization program ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ay sa gitna ng tensyong kinakaharap ng bansa ngayon sa Panatag Shoal at ang pagkakabangga naman sa Filipino vessel sa Bolinao, Pangasinan.

Gagamitin ang nasabing pondo upang ipambili ng dalawang karagdagang helicopter at pagsasaayos sa tatlong barko ng PCG.

Sinabi naman ni DoTC Sec. Mar Roxas na ang perang gagamitin sa modernization program ng PCG ay mula sa Malampaya gas project.

Kaugnany nito, nilinaw naman ng kalihim na ang P1.5 bilyon ay hindi lamang gagamitin sa Panatag Shoal kundi para sa buong coastline ng Pilipinas na umaabot sa 36,000 kilometro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply