Drilon, Santiago nominado sa pagka-CJ

MULI na namang nadagdagan ang bilang ng mga nominado para sa nabakantengpuwesto ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na i-nominate ng isang Victor Del Rosario para sa nasabing posisyon sina Sen. Franklin Drilon, dating ombudsman Simeon Marcelo at Sen. Miriam Defensor Santiago.

Si Drilon na mula sa Liberal Party ni Pangulong Benigno Aquino III, ay matatandaan na nanguna sa pagbatikos kay Corona noong kasagsagan ng impeachment trial.

Si Marcelo naman ay miyembro ng makapangyarihang The Firm na kilala ring kritiko ng dating punong mahistrado.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nai-nominate si Santiago sa posisyon dahil nakasama siya sa mga nominado noon sa bikanteng pwesto ni retired Chief Justice Artemio Panganiban habang si Marcelo naman ay na-nominate noong nagretiro si dating Chief Justice Reynato Puno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply