Drilon, Santiago ‘wag inomina sa pagka-CJ — solon

HINDI na dapat i-nominate ng Judicial and Bar Council ang mga personalidad na nasa mundo ng pulitika.

Ito ang paniniwala ni CIBAC partylist at dating House Prosecutor Sherwin Tugna kasunod nang pagkakasama nina Senador Franklin Drilon at Senadora Miriam Defensor Santiago sa listahan ng mga inirekomenda bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Tugna na parehong kuwalipikado sina Drilon at Santiago para sa iniwang posisyon ni Dating Chief Justice Renato Corona.

Subalit mas makabubuti aniya kung ang pipiliin ng JBC ay mga abogado na wala sa pulitika.

Kumbinsido si Tugna na mas lalalim at tatatag ang tiwala ng sambayanang Pilipino sa Kataas-taasang Hukuman kung hindi isang kilalang politiko ang mauupo sa pwesto ng pagka-punong hukom.

Hindi rin daw malayo na manumbalik ang kumpiyansa ng publiko sa justice system ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply