Driver sugatan vs 2 carjacker

NASAKTAN ang isang jeepney driver nang tumagilid sa kalsada ang kanyang sasakyan dahil sa pakikipagbuno sa dalawang carjacker sa Quezon City kaninang madaling araw (Hunyo 6).

Sinabi ni P03 Jonar Jorta, ng Quezon City Police District- Libis station, isinugod sa Rizal Medical Center Hospital sanhi ng tinamong bukol at galos sa ulo at katawan ang biktimang si Johnny Lagundi, 41-anyos ng Bagong Ilog, Pasig City.

Matapos naman ang mahabang habulan, nakuwelyuhan ng QCPD mobile team ang mga suspect na sina Arlan Alibio, at Winston Verches, kapwa 38-anyos at taga Pasig City din na kapwa nakumpiskahan ng 38 kalibre ng baril. Hindi sila nasaktan.

Naganap ang insidente dakong alas 5 ng madaling araw sa southbound lane ng C5 Road sa Libis sa tapat ng Tiendesitas shopping center.

Bago rito, papunta si Lagundi sa Cubao at tinatahak ng kanyang dyip na puno ng pasahero ang C5 Road nang magdeklara sina Alibio at Verches ng panghoholdap sa tapat ng Wilcon Depot store.

Pinababa ng mga suspect ang lahat ng pasahero at inutusan si Lagundi na ipagmaneho sila at iliko sa isang U turn slot pero tumanggi ito.

Dahil sa komosyon, napansin ng nagpapatrolyang QCPD mobile patrol ang kaguluhan kaya rumesponde at hinabol ang naturang dyip na umabot hanggang sa Pasig City hanggang sa ito ay tumaob sa kalsada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply