‘Driver’s error’ No. 1 sanhi ng aksidente sa lansangan

PANGUNAHING dahilan pa rin aniya ang “driver’s error” sa mga nagananap na aksidente sa mga lansangan sa bansa.

Batay aniya sa ulat ng Department of Transportation and Communications o DOTC noong 2011 halos 80 porsiyento ng mga aksidente ang kanilang naitala na may kinalaman sa pagkakamali ng drayber sa kanilang pagmamaneho, ayon kay DOTC Assistant Secretary Dante Lantin,

Sa ginanap na 1st Vehicle and Traffic Safety Conference na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Cement Manufacturers Association of the Philippines (CEMAP), sinabi ni Lantin, na pumapangalawa ang vehicle conditions na may 18% at pangatlo lamang ang road conditions na may dalawang porsiyento sa ugat ng aksidente sa mga lansangan .

Ayon pa kay Lantin, kabalikat nila ngayon ang CEMAP sa pagpapatupad ng mga paraan para maiwasan at mabawasan ang mga sakuna sa mga lansangan.

Kaugnay nito, sinabi ni CEMAP President Ernesto Ordonez na nagsasagawa sila ngayon ng mga training at seminars para sa mga driver hindi lamang ng mga motorsiklo, bus, jeep at trak gayundin ng mga haulers para ma-educate ang mga ito hinggil sa road safety at tuloy mapangalagaan ang mga sarili habang nagmamaneho.

Sinabi pa ni Lantin na katulong din ng DOTC ang Department of Public Works and Highways, Department of Trade and Industry at iba pang private sector para sa ligtas na paglalakbay ng mga motorista.

Hustong tulog, tamang pagkain, pisikal na kondisyon, tamang pananamit, inspeksyon muna ng mga kasu-kasuan ng makina ng sasakyan ay ilan lamang sa mga gabay na ituturo ng CEMAP bago magmaneho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply