Droga sa SJDM, angkan ng konsehal ang nagtutulak

UY, ano itong talamak na bentahan ng droga o shabu  sa  San Jose del Monte, Bulacan na kung saan ay ang angkan ng isang konsehal sa Bulacan ang nagpapakalat ng nasabing ipinagbabawal na gamot?

Aba’y hindi magandang halimbawa ‘yan sa isang  opisyal ng bayan na magkaroon ng mga kamag-anak na sa halip na tulungan siya  na masugpo ang mga katarantaduhan sa nasasakupan nito ay sila pa mismo ang mga lumalabag at pasimuno ng mga kalokohan gaya na lamang itong pagpapakalat ng droga sa nasabing lalawigan.

Ano ngayon ang masa-sabi ni San Jose del Monte Mayor Rey San Pedro sa bayan niya na pinamumugaran ng users at pushers?

Umaksyon naman kayo, Mayor San Pedro, kung ayaw ninyong paghinalaan ng inyong mga kababayan na “tongpats” kayo sa pagpapakalat ng droga sa bayan n’yo.
Para maniwala kayo, Mayor, eto basahin nyo ang text message.

Good pm, Sir Johnny. Masugid niyo akong taga-subaybay ng inyong matapang na kolum. Pakikalampag naman ang talamak na bentahan ng droga rito sa aming bayan sa San Jose del Monte. Angkan po ng konsehal ang nagpapakalat ng droga o shabu. Ang  tulak po rito kung tawagin siya sa lugar namin ay si Jay-R. Alam ba n’yo, Sir Johnny, parang kendi lang kung ibenta at ilako ni Jay-R ang droga rito. Hindi hinuhuli ng kapulisan dahil ang katwiran ng kapulisan dito ay malakas daw si Jay-R kay Mayor San Pedro.

Loteng sa Pasig may go signal

Walang takot na nagpapa-lotteng itong mag-asawang Cris at Rose  sa Pasig. Palibhasa walang ipinagmamalaki ang mag-jowa kundi malakas daw sila kay EDP DD Gen. Mike Laurel.

Malaki raw ang ipinararating nilang  I.N.T..

Anomang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa  juandesabog@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply