Drug dealing sa Resorts World Casino

LUMABAS sa diyaryo ang balitang ginagamit ng mga drug dealer ang mga Hotel at Casino bilang exchange at drop off points ng kanilang mga iligal na droga.

Ito ay inulat mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa huling ulat, nadale ng PDEA ang isang Chinese high-roller, o yung mga malakas magsugal na parokyano ng casino, na nagbenta ng isang kilo ng shabu sa Resorts World.

Ang kaiba rito, casino chips at hindi cash ang hininging bayad ng drug dealer.

Hindi na luma ang estilong ito. Ang mga big-time drug dealers ay paboritong gamitin ang mga sosyal na lugar tulad nga ng Hotel, Casino, Bars at Clubs, pati mga sosyalin na restoran.

Mas sikat ngayon ang Resorts World sa mga drug dealers dahil sobrang laki ng lugar na ito, marami laging tao at puro sosyal at may pera ang nagkalat.

Naging patakaran na rin ng mga Casino ang magbigay ng libreng kuwarto sa kanilang mga high roller para doon magpahinga habang inuubos ang pera nila sa pagsusugal.

Ito ang sinasamantala ng mga big time drug dealer dahil napakahusay na cover ng libreng kuwarto para sa isang drug deal o sale.

Hindi basta iniisipan ng mali ang pagpasok ng mga mayayaman daw sa kuwarto ng Resorts World para mag-usap, magpahinga o mag-recover muna sa isang losing streak.

Pero ang totoo, ang mga sindikato ay nagsasagawa na ng transaksiyon sa loob at nagkapagpalitan na ng droga at pera.

Kung parang galing sa pelikulang Scarface ang na-babasa ninyo, huwag ho kayo magtaka dahil noon pa po ito gawain ng mga drug dealer, panahon pa ng Narcom sa PNP.

Ang masakit dito ay aala-gaan ng mga Casino tulad ng Resorts World ang kanilang high rollers dahil dito sila kumikita ng malaki.

Sa kalakaran ng Casino, hindi sila sa kuwarto o pagkain kumikita kundi sa pera ng mga lulong sa sugal doon.

At pag chips na ang ibinayad sa drug dealer, sinisiguro ko po sa inyo, lusot ito pag kinasuhan sa korte dahil marami ng ganitong kaso sa Pasay ang walang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply