DTI, BIR kinalampag sa smuggled na mantika

KINALAMPAG ngayon ni House Minority Leader Danilo Suarez ang Bureau of Internal Revenue at Department of Trade and Industry sa talamak na smuggled na mantika sa merkado.

Ayon kay Suarez, ito ang naka-aalarma dahil nagdudulot ito ng matinding pagkalugi sa mga lokal na mamumuhunan sa bansa at isa itong matinding dagok sa industriya ng niyog sa bansa.

Iminungkahi ni Suarez sa DTI at BIR na magpakalat ng “flying squads” o bumuo ng task force smuggling para habulin ang mga nasa likod ng pagkalat ng mga unbranded na mantika na hindi nababayaran ng tamang buwis.

Ani Suarez, dahil sa pagkalat ng mga smuggled na mantika sa merkado ay tuluyan nang bumagsak ang presyo ng kopra mula sa dating nasa P55 kada kilo ay P21 na lamang ngayon na siyang inirereklamo ng mga magsasaka ng niyog.

“If we cannot control smuggling of a modest commodity like cooking oil, much less can we control of more visible commodities, like pork or petroleum products,” ani Suarez.

Babala ng kongresista na kung sakaling walang lunas ang talamak na pagpupuslit ng mantika sa bansa ay mas malabo aniyang maabot ng gobyerno ang target collection nito sa buwis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply