Ducati: It’s more fun in the Philippines

PULA at itim ang namayagpag na kulay noong May 19 hanggang May 20 matapos dumagsa ang mga Ducati riders sa Clark International Speedway at Fontana Leisure Parks para sa tinuringang 1st Philippine Ducati Weekend.

Ramdam na agad ang excitement ng mga Ducatisti umaga pa lamang ng Sabado, May 19, habang sila ay nag-a-assemble para sa Ducati Motorcade pamula Bonifacio Global City patungong Clark International Speedway. Agaw-atensyon ang mga big bikes sa kahabaan ng NLEX at maging sa mga kalsada ng Clark.

Isang Ducati Village ang sumalubong sa mga riders pagdating ng Clark Speedway. Kumpleto sa set-up ang mga Ducati booth— mayroong booth kung saan naka display ang best-selling models ng Ducati gaya ng Hypermotard at Streetfighter; mayroon ding makeshift paddock booth kung saan maaring mag-refill ng gasolina ang mga riders o ‘di kaya magpalit ng gulong.

Hindi naman nagkamayaw ang mga bisita nang i-announce sa naglalakihang speakers na parating na ang chopper na sinasakyan ng Guest of Honor ng event—walang iba kung hindi ang 3-time Superbike World Champion na si Troy Bayliss. Dumating si Bayliss lulan ng isang red chopper, suot-suot na ang kanyang racing gear, at pagbaba niya ng track, agad siyang sumakay ng Ducati bike at hinarabas ang Clark International Speedway tracks.

Isang party naman ang inihanda ng Ducati upang pormal na ilunsad ang 1199 Panigale— ang latest offering ng Italian Luxury brand sa kanilang loyal Ducatistis. Ang 195 hp Superquadro engine ng Ducati 1199 Panigale ay itinuturing na world’s most powerful production twin-cylinder engine, at ito rin ang isa sa mga first production sports motorcycles na mayroong electronically adjusted suspension: truly fitting to be launched by a 3-time world champ like Bayliss.

Nagpaunlak si Bayliss ng ilang interview at photo-ops sa mga bisita,at game na game din siyang makipagkarerahan sa mga Ducatisti na nandoon. Ani ni Bayliss, “It’s more fun in the Philippines” dahil raw sa hospitality at mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sakanya rito; pinuri rin ni Bayliss ang Clark Speedway tracks sa potential nitong maging entablado para sa mga future world racing championships.

Isang once-in-a-lifetime experience na maituturing ng ilang Pinoy Ducatistis ang pakikipagkarera nila sa isang World Champ gaya ni Bayliss. Ilan sa kanila’y solved na sa pagpapa-picture o ‘di kaya sa pagpapa-autograph sa kanilang idolo; ang iba ay nagpa-autograph pa mismo sa kanilang motor.

Ang 2-day Ducati weekend ay nagsilbing isang celebration ng Ducati lifestyle, na talaga namang na-enjoy ng mga Ducatisti at ng ibang guests. Sa pangunguna ng power couple behind Ducati Philippines na sina Mr. Toti Alberto at Mrs. Joy Alberto, ang kauna-unahang Philippine Ducati Weekend ay talaga namang tunay na success.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply