‘Dugyot’ na drayber kakastiguhin ng MMDA

KAKASTIGUHIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga “dugyot” na drayber ng mga pampublikong sasakyan upang mabigyan ng proteksyon ang kalusugan ng mga mananakay.

Ang muling pagbuhay sa kampanya na pinasimulan noon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando ay bahagi ng kahilingan ng National Center for Community Safety and Protection, para maprotektahan ang publiko, partikular ang mga estudyante at mga mananakay sa mga nangangamoy na tsuper.

Nauna nang nanawagan si Elvira Medina, national chairman ng naturang grupo, kay MMDA Chairman Francis Tolentino na buhayin ang kampanya laban sa mga may putok at nanggigitatang mga tsuper ng jeepney at bus, lalo na ngayong regular na ang klase sa lahat ng antas ng paaralan, upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mananakay.

Sinabi ni Medina na hindi maganda ang magiging epekto sa kalusugan ng mga mananakay, lalo na ng mga estudyanteng may hika o allergy kung malalanghap nila sa kanilang pagsakay sa pampasaherong jeep o bus ang mabahong amoy ng mga tsuper.

Kinatigan naman ang panawagan ng ilang malalaking grupo ng transportasyon lalo na’t hindi lamang ang kalusugan ng mga pasahero ang nakasalalay dito kundi higit sa lahat ay ang kalusugan na rin at tamang pangangalaga sa kalinisan ng katawan ng mga tsuper.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply