Dyip niratrat; parak, 3 pa tigbak

APAT katao kabilang ang isang police corporal ang napatay habang dalawa pa ang nasugatan nang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyang dyip sa Sulu kahapon ng umaga (Hunyo 7).

Kinilala ang mga namatay na sina Police Corporal Persing Mijan, 30, Nurhaimi Mijan, 28, Bismun Lukman, 27, driver ng dyip at Hja Jumanun Palahuddin, 90-anyos.

Sugatan naman sina Amil Hambi, 18, estudyante ng Mindanao State University; at Kumalah Abdah, 9, na kapwa dinala sa Parang District Hospital para sa kaukulag medical attention.

Sinabi ni Sulu provincial police head Senior Superintendent Antonio Feyra, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Sitio Nunuk sa Barangay Linuho, Parang.

Bago ito, sakay ang may siyam na pasahero sa isang dyip (JCB-122) na minamaneho ni Lukman at patungong Jolo, Sulu nang ratratin sila ng mga suspek.

Matapos ikasa ang pananambang, tumakas ang mga suspk patungong Barangay Bulih Bawang, Parang, Sulu.

Inaalam pa ang motibo sa pag-atake.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply