Dyip swak sa bangin: 7 kritikal

PITO sa 18 nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong dyip sa Mountain Province kaninang umaga.

Sinabi ni Mountain province Mayor Mathew Chaowan, isinugod sa iba’t ibang ospital ang mga biktima kabilang ang tsuper ng dyip na si Ordy Paran sanhi ng tinamong kapansan sa ulo at katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng umaga sa isang bangin na may lalim na 45 talampakan sa may Umaleb-eb Poblacion, Natonin.

Bago ito, nagmula ang naturang dyip sa Natonin at patungo sana sa probinsya ng Paracelis.

Pagsapit sa lugar, biglang iniwasan ni Paran ang isang ginagawang kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaya bumulusok ang kanyang sasakyan sa naturang bangin.

Plano ng mga pamilya ng mga biktima na magsamapa ng kaso laban sa pamunuan ng DPWH.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply