Echiverri: P200K pabuya sa makapagtuturo sa salarin

NAGLAAN ng P200,000 reward si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa makapagtuturo at makahuhuli sa pumatay sa isang opisyal ng Caloocan City hall.

Kinondena ni Echiverri ang ginawang pagpatay kay Bobby Merrera, officer-in-charge (OIC) ng Environmental Sanitation Services (ESS) ng Caloocan City Hall North, kasabay ng pag-utos nito sa lokal na pulisya na agad na magsagawa ng manhunt operation upang maaresto ang mga salarin.

Namatay si Merrera habang sugatan naman ang asawa nito matapos  pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay sakay ng kanilang kotse kaninang umaga sa Bagumbong Caloocan City.

Dead on spot si Merrera sa pinangyarihan,sanhi ng mga tinamong punglo ng kalibre .45 sa katawan habang ang asawa naman nitong si Dra. Beng Merrera ay ginagamot pa rin sa pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa tiyan.

Base sa imbestigasyon ng  Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 10:30 sa kahabaan ng Narra St., Rainbow Village 5, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ang biktima ng Isuzu Crosswind nitong kulay puti at may plakang ZTE-388 kasama ang asawa nitong si Beng nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek na nakaantabay lamang sa naturang lugar.

Mabilis na nagsitakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply