Ecleo tanggal na sa Kongreso

PORMAL nang tinanggal sa hanay ng mga kongresista si Philippine Benevolent Missionaries leader at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Ang pagkakatanggal kay Ecleo ay kinompirma ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte at ng tanggapan ni Secretary General Marilyn Yap dahil sa mga kasong kinahaharap ng mambabatas, kabilang na ang pagpatay sa misis na si Alona.

Ayon kay Belmonte, epektibo na ang pagtanggal sa pangalan ni Ecleo kahapon (May 31) sa kongreso, subalit wala naman umanong sesyon kaya hindi agad ito naipabatid.

Simula sa Lunes, (Hunyo 4), hindi na babanggitin sa roll call sa plenaryo ang pangalan ng Dinagat Solon na patuloy pa ring pinaghahanap ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply