Ekonomiya lumalago, yehey!

MULA sa kakarampot na pag-unlad ng mahal kong bayan sa unang taon ni PNoy, lumago na umano ang ekonomiya nito.

Mula lamang sa 4% ng nasa P8 trilyon kabuuang halaga ng serbisyo at produkto na nagawa ni Juan, naging nasa 6% na umano ito.

Sa ibang salita, nasa P320 bilyon halaga ng serbisyo at produkto ang naidagdag sa ekonomiya sa unang taon ni PNoy at nasa P480B naman sa ikalawang taon.

Ang lalaki naman talagang halaga ang mga ito.

Pero mayroon ba namang pakinabang si Juan dito? ‘Yan ang tanong.

oOo

Nagtatanong tayo, Suki, dahil bago naging Boss si PNoy ni Juan, sinasabi na rin noon ang parehong balita.

‘Yun pala, yun lang mga hunghang na nasa gobyerno at ang kanilang mga kasama sa bisnes ng gobyerno  ang umuunlad.

Hindi naramdaman ni Juan ang pag-unlad.

Hindi kaya ganito rin ang nagaganap?

Tingnan natin!

oOo

May mapait na kuwento ang mga obrero rito.

Totoo na gumagastos ang gobyerno nang malaki para lang umunlad ang repablik ni Juan.

Pero kuwento ng mga nasa konstraksyon, ang mga kontraktor lang ang umuunlad.

Nakabibili sila ng mga makinarya mula sa kanilang mga tubo pero parehas lang ang pagpapasahod ng mga ito.

Nasa P250 hanggang P300 lang ang pasahod at bibihira sa kanila ang may mas mataas dito gaya ng mga kapatas at iba pa.

Ganito rin ang kuwento ng mga nasa pabrika ng semento, yero, bakal, transportasyon atbp.

‘Yung mga may-ari lang ang nakikitaan ng pag-unlad at hindi silang mga obrero na karamihan pa ay kontraktuwal.

At yung mga kongresman, senador at sekretari ay nagkakaroon ng sariling mga mamahaling sasakyan.

Sina gob at meyor naman ay busog na busog sa kwari.

Lumalago nga ang ekonomiya. Hehehe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply