Eleksyon na nga kasi nagpapapogi na

TALAGANG grabe na ang traffic sa Kamaynilaan at hirap na hirap ang Metropolitan Manila Development Authority at lokal na pamahalaan na isaayos ang halos isang taon pa ang eleksyon, pero may mga politiko nang gumigimik para mapansin ng publiko.

Isa sa mga iyan ay si Rep. Nicanor Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list.

Bakit nasabing napaaga ang pangangampanya ni congressman? Kasi nga raw, panay ang pa-press release niya sa media ng kanya umanong ginagawang kabutihan sa sektor ng agrikultura.

Gaya ng naglabasang balita kamakailan na mismong si Cong. Briones pa ang nanghihimok ng ‘market holiday.’ Ang punto eh, talaga bang concern ang mama sa kanyang mga pagmamalasakit kuno.

Para manguna ka sa ‘market holiday,’ aba’y magugulo ang bayan sa ginagawa ng kongresista.

Alam n’yo ba kung ano ang ‘market holiday?’

Ang ibig sabihin ng market holiday eh, hindi magtitinda sa palengke ang mga market vendor. Cong B., ‘di n’yo ba alam ‘yang ipinanganganak n’yo?

Hindi po kayo nakatutulong kundi nakapeperhuwisyo pa! Isipin nyo na lang kung walang mabiling mga pagkaing gulay, manok, baboy at isda sa palengke, paano ang madla?

Kung meron man ay sobrang taas ng presyo kaya, lalong magiging perhuwisyo sa mamimili. In short, pahirap sa mahirap ang panawagan ng Ginoong Kongresista.

At isipin n’yo rin sana ang kalagayan ng market vendors. Kung hindi sila magtitinda, kawawa naman sila dahil wala silang kikitain? Magugutom din sila.

Hindi rin produktibo sa ating ekonomiya ang panawagan ninyong huwag nang magnegosyo ang mga nasa palengke.

Mabuti na lamang at hindi tanga para maging sunod-sunuran ang market vendors sa kagustuhan ni Rep. Briones.

Sinabi ng isang grupo ng market vendors sa Quezon City nang makapanayam ng isang radio station, wala silang pakialam sa inginangakngak ni Briones sa panawagan nitong magdaos sila ng market holiday.

Anila, hindi naman si Rep. Briones ang magpapalamon sa kanila kung sila ay magutom kapag lumahok sa protesta.

Ang layo pa ng eleksiyon Cong. Briones para sa pagpapapogi sa madlang pipol.

‘Yan tuloy, sablay na nga e, nabutata pa ang grandstanding ninyo!Kung dishonest si Corona, dapat ay hindi na niya ipinangalan sa kanya mismo ang dollar account niya tulad ng ginagawa ng maraming congressman na wala sa kanilang sariling pangalan ang kanilang yaman kung hindi nasa pangalan ng mga taong pinagkakatiwalaan.

Para kay Miriam – “HYPOCRITICAL” ang lahat ng ito dahil mismong mga taga-usig ay may mga tinatagong yaman, walang matitirang congressman o senator para litisin o husgahan si Chief Justice o sinoman sa impeachment trial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply