Empleyado ng DOH nag-walkout

NAGPROTESTA sa harap ng Philippine General Hospital sa Taft Ave. ang mga Health Workers pasan ang effigy ng batong mabigat na simbolo ng mahirap na buhay at walang gamot na maibigay sa mga pasyenteng maysakit sa pampublikong pagamutan.

NAG-WALKOUT sa kalagitnaan ng kanilang trabaho ang mga empleyado at health workers ng Department of Health (DOH) Central Office sa Maynila kaninang umaga bilang protesta sa hindi pagbibigay ng hazard pay.

Nabatid na bandang alas-9:00 ng umaga, nag-walk out sa mga tanggapan ng DOH Central Office at sumabay din ang mga health worker sa mga regional office nito, center for health regional offices at mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOH.

Nagsuot ng itim na T-shirt at ang iba’y may suot na  arm band ang mga nagpoprotestang empleyado.

Nabatid pa na may 33,000 employees at health workers ang apektado nang hindi maibigay na hazard pay simula pa noong Enero ng taong ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply