Empleyado ng gobyerno, mag-asawa huli sa shabu

ISANG empleyado ng gobyerno at isang mag-asawa ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos bentahan nito ng shabu  na nagkakahalaga ng P230,000-ang isang undercover agent sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City noong June 4, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga suspek na sina Kidarson Ammad, alias Kidz, utility worker sa Provincial Government Office sa  Tawi-Tawi, at residente sa EMS Village, Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi; at Abdullatip Dari, alias Latip, 49 anyos at asawa nitong si Amina Dari, alias Minang, 50 anyos at kapwa residente ng Ilang-Ilang Drive, Baliwasan, Zamboanga City.

Nauna rito, nakipagkasundo ang undercover agent ng PDEA kay Latip hinggil sa bilihan ng may 50 gramo ng shabu. Gayunman, inatasan naman ni Latip si Kidz na ideliver ang item na siya namang ikinadakip nito habang si Latip naman ay dinakip sa bahay nito habang hinihintay ang bayad sa bilihan ng shabu.

Nadakip naman si Minang matapos itong madatnan din sa loob ng bahay nila sa nasabing lugar.

Napag-alaman na si Minang ay katulong ng kanyang asawa sa pagtutulak ng shabu sa lugar na minsan ng kinasuhan noong 2007 dahil din sa paglabag sa Republic Act 9165 at nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, ang mga suspek na pansamantalang nakapiit sa PDEA RO9 detention facility.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply