Engineer nailigtas sa kidnappers sa Antipolo

NASAGIP ng mga awtoridad ang isang engineer makaraang tangkaing dukutin sa Barangay Dalig, Antipolo City bandang alas-6:00 kaninang umaga.

Nabatid na unang hinarang ng anim na suspek ang sasakyan ng geodetic engineer na nakilalang si Antonio Julian Botor sa Maia Alta Road sa Brgy. Dalig at agad isinakay ito sa getaway vehicle na Mitsubishi Adventure (DTK 758).

Habang iniwang nakaposas sa manibela ng sasakyan ng biktima ang driver nito.

Agad namang rumesponde ang isa pang driver ni Botor na nakilalang si Michael Talispara na nakipagbarilan sa mga suspek habang hinahabol ang getaway vehicle ngunit natamaan ito sa kaliwang hita.

Nang rumesponde ang mga pulis, inabandona ng mga suspek ang getaway vehicle sa Sitio Oreta sa Brgy. San Isidro.

Narekober sa loob ng sasakyan ang dalawang baby armalite at pitong magazine nito.

Ayon sa hiwalay na ulat sa telebisyon, sinabi ng biktima na posibleng panghihingi ng ransom ang motibo ng pandurukot ngunit narinig niya sa usapan ng mga suspek na kakausapin siya ng isang coronel.

Blangko pa rin ang Antipolo police sa kung anong grupo ang nasa likod ng pandurukot sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply