EO ni PNoy sa pagmimina, dapat bantayan, busisiin

DAPAT bantayan at busisiin ang Executive Order na ilalabas ng Pangulong Benigno Aquino na may kinalaman sa pagmimina sa bansa.

Ayon kay Digos Davao del Sur bishop Guillermo Afable, mas mahalaga pa rin na po-protektahan ng polisiya na ito ang mga mamamayan at ang kalikasan sa lugar kung saan isinasagawa ang pagmimina.

Sinabi pa ng Obispo, na sana ito ay magbibigay ng malinaw na batayan sa lahat lalo na sa mga magsasaka sa kanayunan na umaasa lamang sa agrikultura o sa biyayang bigay ng kalikasan na hindi dapat sirain ng pagmimina lamang.

“Matagal na nating hinihintay yang Executive Order na yan. Dahil talagang inaasahan natin na magbibigay ng malinaw na batayan para sa lahat ng mga kinauukulan. Lalong lalo na sa ating pamahalaan at sa ating mga mangangalakal. At para naman sa proteksyon ng ating kalikasan, dahil alam naman nating yung kalikasan ay yung kinabubuhay ng ating mga mamamayan. Lalong lalo na sa mga magsasaka. Alam natin na mas mahalaga yung pinagbabatayan nung ating mga executive order na yan, yung ating Philippine Mining Act na matagal na nating pinapagtutulong-tulungan na mabago,” pahayag ni Bishop Afable sa panayam ng Radyo Veritas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply