Erap: Pagkalas ni Koko sa UNA tatanggapin

IPINAHAYAG ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada na gagawin niya ang lahat ng posibilidad at ibang opsyon upang mapag-ayos sina dating Senador Juan Miguel Zubiri at Senador Koko Pimentel.

Sinabi pa ni Erap na kung siya ang tatanungin, nais niyang manatili si Pimentel sa UNA ngunit kung magpasya itong kumalas sa kanila ay malugod naman niya itong tatanggapin.

Ayon kay  Erap, dumaan din naman sa imbestigasyon si Zubiri at lumabas na wala naman itong naging partisipasyon sa naganap na dayaan noong 2007.

Binigyang diin pa ni Erap na sinabi niya sa kanyang inaanak na si Pimentel na inosente pa rin si Zubiri hanggat hindi napatutunayan na kasangkot ito na electoral fraud.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply