Eric: Kondisyon ni Dolphy patuloy na bumubuti

DAHIL sa patuloy na pagbuti ng kondisyon ni Comedy King Dolphy matapos ang halos 22-araw nitong pagkakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center dahil sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD), ilang araw na lamang ay maaari na itong ilipat sa regular na kuwarto.

Ayon kay Eric Quizon, tagapagsalita ng pamilya Quizon, nagiging pernamente na ang paghinga ni Dolphy sa pamamagitan ng butas nito sa kanyang leeg matapos isagawa ang “tracheotomy”.

Sinabi ng Actor na patuloy ang pagganda ng vital signs ni Dolphy gayundin mula sa 10 porsiyento ay naging 20 porsiyento nang gumagana ang kidney ng comedy king.

Dagdag pa nito, sinabi sa kanila ng mga doktor na wala nang internal bleeding at dalawang araw na itong hindi sinasalinan ng drugo ang comedy king.

“For the last 2 days there’s no blood transfusion so at least nag-iimprove ‘yun. There’s no more internal bleeding. Kidney function has improved from less than 20 percent now it’s a little over 20 percent, which is really a big improvement. Even his stomach, intestines are all doing well,”dagdag pa ni Eric.

Sa kabila nito, sumailalim pa rin si Dolphy sa dialysis kahapon at balak ng mga doktor na itigil na ito ngayong araw para ma-obserbahan kung patuloy na gaganda ang kanyang kondisyon.

Halos hindi matigil ang ginawang pasasalamat ni Eric sa mga tagasuporta sa kanilang pamilya na patuloy na nagdarasal para sa paggaling ng kanilang ama.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply