Estero, kanal iinspeksyunin ng DPWH, MMDA

IINSPEKSYUNIN muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA ang mga kanal at estero sa Metro Manila bilang paghahanada ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan at pasukan sa eskwela.

Tiniyak ngayon ni DPWH Undersecretary Romeo Momo, na ang gagawing inspeksyon ay upang hindi na maulit ang nangyaring pagbaha kahapon (Mayo 31) dahil sa pag-ulan na halos isang oras lamang ang itinagal.

Aminado si Momo na posibleng hindi gumana ang pambomba ng tubig sa mga tunnel nang umulan kahapon kaya naman mabilis na nagbaha na nagdulot naman nang masikip na daloy ng trapiko sa maraming lansangan.

Ayon naman kay MMDA Chairman Francis Tolentino, partikular na tututukan nila ang mga estero na malapit sa mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Itinuturong dahilan ng pagbaha sa Metro Manila ng dalawang opsiyal ay ang pagbara ng mga basura sa mga drainage o daluyan ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply