Estibidor naipit sa container van, tigok

PATAY ang isang estibidor sa pier matapos maipit sa container van na nabangga ng isang tractor sa North Harbor, Maynila, iniulat ngayon.

Sa naantalang ulat ni SPO1 Alonzo Layugan, nakilala ang biktima na si Enrique Feliciano, nasa hustong gulang at nakatira sa Sapangpalay Bulacan.

Dakong alas-5:25 kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng wagon deck ng St. Michael the Archangel Passenger Vessel na nakadaong sa Berth 1, Pier 2, North Harbor Tondo, Maynila.

Kusang loob namang nagtungo sa himpilan ng MPD-Homicide Section ang suspek na si Agustin Labor, 37, on board driver sa St. Michael the Archangel Pasaanger Vessel at nakatira sa Brgy. Holy Trinity Cabacan Davao City.

Ayon kay Labor, aksidente umano niyang nabangga ang mga container van na naging dahilan ng pagkakaipit ng biktima.

Dinala naman sa Cruz Funeral Parlor ang biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply