Estudyante, hinihinalang namatay sa sakit na meningococcemia

HINIHINALANG sakit na meningococcemia ang ikinamatay ng isang 17 anyos na estudyante sa lalawigan ng Albay matapos itong makitaan ng simtomas ng naturang sakit.

Dahil dito, nakatakdang magsagawa ngayon ng pagsusuri ang city health officials ng lalawigan kasama ng ilang eksperto at doctor upang matukoy ang tunay na ikinamatay ng biktima.

Nabatid na ang biktima ay binawian ng buhay sa opsital kung saan ito na-confine.

Sa paunang diagnosis ng doctor na unang tumingin sa biktima ay sinasabing nakitaan ito ng ilang sintomas ng naturang sakit kaya naman maging ang mga doctor at nurse ay isinailalim na rin sa examinasyon.

Gayunman, kinakailangan pa rin umanong kumpirmahin at isailalim sa iba pang clinical examination ang bangkay ng biktima upang malinawan ang sanhi ng pagkamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply