Estudyante napagtripan; binaril, kritikal

KRITIKAL ang isang college student nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang “tripper” kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Dave Basillo,18, 2nd year college at naninirahan sa 524 Archor St. Group 3 Armor Village, Barangay South Side, Taguig City sanhi ng tatlong tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Batay sa ulat ni S/Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Taguig City Police, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Levi Mariano Avenue , Ususan nang nasabing lungsod.

Nag-aabang umano ng kanyang masasakyan ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang isang armadong lalaki na walang sabi-sabi na pagbabarilin ito.

Duguang bumulagta sa kalsada ang biktima at mabilis na tumalilis ang suspect palayo sa pinangyarihan ng insidente bitbit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril.

Agad naman isinugod ng mga bystanders ang biktima sa nasabing pagamutan.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng napagtripan lamang ng suspect ang biktima dahil sa hindi naman ito kinuha ang kanyang wallet at cellphone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply