Estudyante patay sa away-trapiko

HINDI na umabot sa unang araw ng pasukan sa eskwela ang 15-anyos na estudyante makaraang saksakin ito sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin na nakagitgitan niya sa trapiko kagabi (Hunyo 3) sa San Mateo, Rizal.

Sa isinumiteng ulat ni San Mateo Police chief, Supt. Ruben Piquero kay Rizal PNP Provincial Director, Sr. Supt. Rolando Anduyan, kinilala ang biktima na si Daniel Reyes, high school student at residente ng Drafter Village, Brgy. Ampid, I San Mateo, Rizal.

Nakaratay naman sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tama ng malalim na saksak ang tiyuhin nito na si Nelson Reyes, 39.

Sa paunang imbestigasyon ng San Mateo PNP, naganap ang krimen bandang alas-11:00 kagabi sa Drapten Village, Ampid I habang sakay ang magtiyo sa kanilang tricycle. May nakasagutan umano si Nelson na dalawang sakay ng motorsiklo dahil sa trapiko.

Kasunod nito ay hinarang ng mga suspek ang mga biktima saka inundayan ng saksak ang tiyuhin na tinamaan sa dibdib at nang akmang tutulong ang binatilyo ay sinaksak din ito sa dibdib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply