Ex-Agri chief sa Ombudsman: Kasong plunder sa fertilizer fund scam, ibasura

IPINABABASURA ni dating Agriculture Secretary Luis Ramon Lorenzo sa Sandiganbayan ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya kaugnay  ng P 728 million fertilizer fund scam.

Hiniling ni Lorenzo sa 2nd division ng Sandiganbayan na resolbahin na ang kanyang Omnibus motion na inihain noon pang JULY 2011.

Ayon sa mga abogado ni Lorenzo na sina Atty Luis Martin Clemente at Atty Joemer Perez, hinog na, anila, para desisyunan ang mosyong inihain ng kanilang kliyente matapos ang apat na araw nang kasuhan ng Ombudsman si Lorenzo noong nakaraang taon.

Batay sa argumento ni Lorenzo, depektibo, aniya, ang nasabing kaso laban sa kanya kaugnay sa akusasyong pinabayaan niya at inabandona umano ni Lorenzo ang kanyang tungkulin kaya nangyari ang fertilizer fund scam.

Aniya, kontra ito sa teorya ng sabuwatan, ang mahalagang elemento sa kaso ng pandarambong.

Bukod dito, kasong graft at malversation umano ang ipinasasagot sa kanya ng Ombudsman pero ang isinampa namang kaso  sa Sandiganbayan ay plunder.

Kasama ring inakusahan maliban kay Lorenzo sina dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Joc-joc Bolante  dating Asst. Sec. Ibarra Poliquit at mga pribadong suppliers ng Liquid fertilizers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply