Ex-Asst. BIR Commissioner inabswelto ng CA sa kasong dishonesty

INABSWELTO ng Court of Appeals ang dating Assistant Commissioner ng Bureau of Internal Revenues na nagsabing ang pagkapanalo niya ng sweepstakes ang dahilan ng pagtaas ng kanyang yaman.

Si dating BIR Assistant Commissioner Edwin Abella ay hinatulan ng guilty sa kasong dishonesty noong 2005 dahil sa pagkakaruon ng yaman na hindi umano tugma sa kanyang kinikita.

Sa 28-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Francisco Acosta ng CA 12th Division, kinatigan nito ang petition for review na inihain ni Abella.

Kasabay nito, iniutos din ng CA na maibalik sa dati niyang trabaho ang petitioner, at dapat din umano itong makatanggap ng bayad para sa kanyang backwages at iba pang kompensasyon mula nang siya ay masibak sa pwesto.

Kinatigan ng CA ang paliwanag ni Abella na wala siyang ligal na tungkulin na isama sa kanyang SALN ang buong halaga ng sasakyan ng kanyang anak na si Merrick dahil ito ay mahigit na sa 18-taong gulang.

Sa records ng kaso, idineklara ni Abella na tumaas ang kanyang kita mula sa P3.8-Milyon noong
1999 sa P4.3-Milyon noong 2000; P4.6-Milyon noong 2001 hanggang maging P8.4-Milyon noong 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply