Ex-Caloocan police, tigok sa saksak

UTAS ang isang retiradong pulis matapos itong tadtarin ng saksak ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Gen Luna 5th st., Bgy. 10, Caloocan City, Biyernes ng gabi June 15.

Dead on spot si Renato De Castro Sr., 67, retiradong pulis, sa loob ng kanilang bahay sa Gen Luna St., 5th St., ng lungsod sanhi ng maraming saksak sa ibat ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin matapos na maisagawa ang krimen.

Ayon sa ulat, ganap na alas 8:00 ng maganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng nasawi.

Base sa salaysay ng anak ng biktima na si Renato De Cator Jr. na siyang nakatuklas ng krimen, nanlumo siya ng makitang wala ng buhay ang kanyang tatay na duguang nakahandusay sa loob ng kanilang bahay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyong ng mga otoridad para malaman ang tunay na motibo at sino ang salarin sa nasabing krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply